CHAPTER VIII --- Richelle’s POV
*Hindi ko alam kung bakit hinahanap-hanap ko ang prisensya ni Matthew tuwing makikita ko yung dalawa pa nyang kaibigan na dinadalaw ang mga kaibigan ko. Mula kasi nung matapos yung shoot, hindi ko na sya nakita. Sabi nila hindi nila kasama si Matt kasi busy daw ito sa iba pang bagay maliban dun sa gaganapin na contest/exibit. Nakakamis din pala yung isa na yun. OP tuloy ako lagi sa kanila, kaya ang lagi kong kasama eh si Jessie at Romeo. Pero minsan busy din naman sila sa mga organizations na sinalihan nila. Kaya lagi akong mag-isa nitong mga nakaraang araw. Kaya isang araw naisipan ko na tumambay na lang sa Starbucks mag-isa para malibang at makapag isip-isip na rin.*
*at dahil ayoko ng maingay, doon ako umupo sa malayo sa nakararami. Loner ang drama ko ngayon eh. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Bago kasi sya para sa akin. Ano ba kasi talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Bakit ba lagi ko syang hinahanap ngayon? Haaa… Kasi naman eh. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ano bang gagawin ko. (sabay yuko sa table ng biglang…)
Matthew: hoi! Ano bang problema mo at nag-iisa ka dito? Nasaan ba ang mga kaibigan mo? Mamaya mapagkamalan ka pang baliw jan eh.
*wait! Wait! Wait! Nababaliw na yata talaga ako. Bakit naririnig ko ang boses ni Matthew? At ayun na nga, dahil panira din ng moment tong unggoy na to, hindi ako naka-tiis at umayos ako para pagsabihan sya… At ng pagharap ko doon sa lalake nagulat talaga ang lola nyo in a major major way.*
Richelle: O_o??? Matthew? A-anong ginagawa mo dito?
Matthew: ano namang reaksyon yan? Parang nakakita ka ng multo? Ang pogi ko naman masyado para maging multo. Hahaha. Saka ano bang klaseng tanong yan, malamang para uminom ng kape. Hahaha.
Richelle: ang kapal mo talaga! Ah, iinom ka pala ng kape. Eh nasaan na yung kape mo? Nandito ba ang counter? Ako ba ang barista?
Matthew: hay nako, hindi ka pa rin nagbabago. Ang dami pa ring laman na pilosopong tanong yang utak mo. Kamusta na? long time no see ah.
Richelle: tss… At bakit naman ako magbabago? Teka nga, bakit ka nga ba kasi nandito?
Matthew: ahm, galing kasi ako kanina sa loob ng school mo, eh ang sabi nila Jacob lumabas ka daw. So hinanap kita, alam ko wala kasi ka na namang kasama.
Richelle: ah. Bakit sasamahan mo ba ako?
Matthew: kung ok lang sayo. Pero kailangan ako naman ang ilibre mo.
Richelle: tse! Ayoko ngang ilibre ka, sayang lang ang pera ko sayo. Ako na lang ang ilibre mo para mas masaya. Diba?
Matthew: ang kuripot. Sige ganito na lang, ililibre kita, pero kailangan ilibre mo din ako.
Richelle: baliw, eh di KKB ba lang tayo.
Matthew: wag ka ng kumontra. Tara na. (at nilahad nya ang kamay nya)
Richelle: (ayoko ngang tanggapin yang palad mo, baka lalo pa akong mahumaling sayo. Hahaha.) saan naman tayo pupunta?
Matthew: wag ng masyadong maraming tanong.
( O_o??? Hala ka, harassment to ah. Ayokong sumama sa kanya, mas lalo lang akong mai-inlove sa mokong na to eh. Bro, please help me. Teka, tama ba yung narinig ko Bro? sumama na lang ako sa kanya at i-enjoy ito? Oh well, wala namang masama na sumama sa kanya. Sino ba naman ang nasa matinong pag-iisip na babae ang tatanggi sa ganitong ka-yummy na papa? Syempre hindi ako yun.)
Richelle: teka, saan ba kasi tayo pupunta?
Matthew: basta! Sakay na! (wow naman, ok ah. Pinagbukas pa nya talaga ako ng pinto, gentleman.)
Richelle: ayoko nga, sabihin mo muna sa akin kung saan talaga tayo pupunta. Mamaya, may gawin kang hindi maganda sa akin eh. (at nag-ilusyon na naman ang lola mo.haha)
Matthew: sasakay ka ba o hahalikan kita?
Richelle: teka lang naman kasi…(sabi ko sa kanya habang naka-pout. Feeling ko ang ganda ko ngayon…hahahaha…) saan ba kasi tayo pupunta?
He pulled my head and drag me head first. Fearless. Anakshuta, he’s my first kiss. Oh my gosh. I wanna faint.
Teka Bro, hindi ko po inaasahan to. Teka, teka ano bang gagawin ko? Hala ka, ayaw mag-function ng utak ko.
Matthew: ano, sasakay ka na ba o hahalikan kita ulet?
Richelle: a… sasakay na. nawili ka naman. Baka maadik ka sa lips ko, mahirap na. (haha…ako pa ang nagsabi nun samantalang ako yata ang maadik sa labi nya. Haha. Cover up lang naman yun mga dude.)
Matthew: mabuti naman kung ganon.
Naka-sakay na din sya sa driver’s seat at nagsimula ng umandar ang chikot nya na hindi ko alam kung saan papunta.
Richelle: saan ba kasi talaga tayo pupunta?
Matthew: wag ka ngang excited jan. kapag nagtanong ka pa ulet, ititgil ko tong sasakyan at hahalikan ulit kita.
Richelle: sabi na nga ba eh, maaadik ka sa halik ko. My gulay. (at bumagal bigla ang pagpapatakbo nya.) hoy, bakit binagalan mo? Hindi naman ako nagtanong ah.
Matthew: wala lang, baka kasi matakot ka kapag masyadong mabilis ang takbo natin.
Nanahimik na lang ako para wala ng gulo. Well, gusto ko lang balikan yung alaala ng first kiss ko. Hahaha. Sino ba naman ang mag-aakala na sa ganong pagkakataon mangyayare ang first kiss ko at sa kanya pa? Hindi na masama para sa first kiss ko. Yummy, mabango, gentleman, mabait at higit sa lahat pogi. Juice mio marimar, hindi ko alam kung gano katagal magkadikit ang labi namin. Anu beh. Kinikilig ako. “Teka nga Richelle Cruz, inlove ka na ba sa kanya at ganyan ka umarte at mag-ilusyon? Nililigawan ka ba nya? Hindi naman diba? Eh bakit kinikilig ka jan?” panira naman ng moment tong kunsensya ko eh. Eh ano naman kung hindi nya ako nililigawan? Ok lang yun, in love naman na ako sa kanya eh.
Matthew: anong kalokohan na naman yang tumatakbo sa utak mo at nangingiti ka jan mag-isa?
Richelle: pakelam mo ba? Don’t mind me. Concentrate on your driving. (naks, umi-english. In love kasi.)
Matthew: siguro naiisip mo yung kanina no. hahaha.
Richelle: hay nako, kung hindi ko pa alam, sa ating dalawa ikaw ang nag-iisip ng ganun. For sure, hindi mo makalimutan ang lasa ng lips ko. Hahaha.
Matthew: sabihin na natin na totoo yang sinasabi mo, eh ikaw din naman eh. Ayaw mo lang aminin. Kung gusto mo ulitin natin. Ok lang sa akin. Hahaha.
Richelle: whatever. Sabihin mo na kasi kung saan tayo pupunta.
Matthew: ang kulit mo talaga. Diba surprise nga. Maghintay ka na lang kasi jan. iuuwi naman kita eh.
Richelle: ok fine. (suko na ako. Ayoko ng maging makulet. Surprise na kung surprise.)
Makalipas ang kulang 5mins., dumating na kami sa pupuntahan namin. Ang Dominican University ; Ano bang meron dito at dito kame napadpad?
Richelle: hoy Mr. Montenegro , anong ginagawa natin dito? May pasok ka pala hinila-hila mo ako dito.
Matthew: easy ka lang jan chel. Wala akong klase ngayon. Late na din kaya. May ipapakita ako sayo. Tara na.
Chansing na naman, nanghawak na naman ng kamay. Muka tuloy kaming mag-syota na nagkakatampuhan. Hahaha. Teka nga, bakit ang sama ng tingin sa akin ng mga babae dito? Ah, alam ko na, naiinggit sila sa akin kasi isang Matthew Montenegro ang nakahawak sa kamay ko. Campus heartthrob pala ang isang to.
Richelle: chansing ka na naman jan. kung maka-hawak ka ng kamay akala mo pag-aari mo ako ah.
Matthew: chansing ka jan. eh di girlfriend na kita para akin ka na talaga.
Richelle: anong akala mo sa akin, easy girl. Huh. Kailangan mo munang magdaan sa butas ng karayom para maging girlfriend mo ako.
Matthew: ganun ba? Sige. Simula ngayon, liligawan na kita.
Richelle: at…
Matthew: wag ka ng umapela. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita.
Richelle: eh…
Matthew: ang kulit mo talaga. Hahalikan kita jan eh.
Richelle: eh kung sinasapak kaya kita jan. patapusin mo muna kasi ako, pwede?
Matthew: ok. Go!
Richelle: ok sige, manligaw ka. Hindi naman ako ang mapapagod eh. At saka pwede ba, bitiwan mo kaya yung kamay ko. Hindi mo pa naman ako GF ah. At saka gusto ko pang maka-uwi na buhay ngayong araw.
Matthew: (raised-eyebrows) huh? At bakit ka naman hindi makaka-uwi sa inyo?
Richelle: why don’t you try to look around. Nakikita mo ba yang mga babae na yan, parang gusto nila akong gilitan sa leeg dahil hawak-hawak mo ang kamay ko.
Matthew: hindi naman nila kayang gawin yun. Takot lang nila na magalit ako sa kanila. I know most of the girls here. They all wanted to befriend me.
Richelle: wow. Ikaw na friendly. Eh kung magiging GF mo pala ako, sasakit lang ang bumbunan ko sayo sa dami ng babae mo.
Matthew: selosa ka? Hindi halata ah. Hahaha.
Richelle: pakyu ka Matt.
Matthew: I love you too. Hahaha.
Richelle: whatever. Teka nga kasi. Kanina pa tayo naglalakad. Saan ba kasi talaga tayo pupunta.
Matthew: ang cute mo talaga kapag naiinis ka. Lagi kang naka-nguso. Ang sarap mo tuloy halikan.
Richelle: pwede ba! Sagutin mo na lang yung tanong ko.
Matthew: nandito na tayo.
=====
Ano nga kaya yung surprise ni Matthew para kay Richelle? Saan kayang lugar sa DU dinalani Matthew si Richelle???
grabeh.. kilig much!!.. haha.. update na po ate!
ReplyDelete--DemiDoLL