CHAPTER 12
(REGINE POV)
Uwaahhhh!!! Sobrang in love na yata ako kay Rayce! Makalaglag panga ang galing niya sa pagda-drum! Literal yun! Malalaglag na yata ang panga ko kaka-cheer sa kanya!
Kaso nahihilo na ako! Hindi ko alam kung dahil ba yun sa drinks! Sabi naman nung bartender, non-alcohol yun! Anyway, masarap kasi kaya iinom pa ako mamaya! Hahaha!!! Ang sarap kaya ng feeling ko ngayon kahit nahihilo ako!
Nang matapos na ang act nila, nagkandarapa agad yung fans sa paglapit kay Rayce! Mas sikat siya sa vocalist! Langya naman! Hindi ako makalapit sa kanya!
REGINE: RAYCE!!! HOY NANDITO AKO! (Parang nakalimutan niya yata ako ha? Wait!!! Teka lang ha!!! Si damuhong Jiyeon ba ‘tong nakikita kong nakayapos sa kanya! Ay hindi siguro! Hindi ko sure, umiikot ang paningin ko eh! Hallucination lang yan Regina!)
Anyway, ie-enjoy ko na nga lang ang WineLine! Naappreciate ko siya bigla dahil sa dami ng lalaking nag-aalok sa akin ng free drinks! Hahaha!!! Kailangan magtipid sa panahon ngayon! Para lang akong timawa, hahaha!
Ito yung feeling na hindi ko pa nararanasan eh! Bakit ba kasi library at museum lang ang lugar na alam ko! Ay meron pa pala, yung study area! Mabenta din ako sa lugar na yun! Anyway, epal naman ‘tong si Richelle! Nag-usap kami sandali sa phone at nagpapasundo na ako sa kanya! Pero habang wala pa siya…
REGINE: PARTY-PARTY!!! WOOOH!!!
EDWARD: HI MISS, KANINA KA PA PINAPALIBUTAN NG BOYS DITO HA. SINO SA KANILA ANG KASAMA MO?
REGINE: HAH? WALA! TARA JOIN KA NA DIN DITO, MANONG!
EDWARD: MANONG… PFFT! (Mukha naman talaga siyang manong, mas matino lang ng ilang pulgada!) LET ME BUY YOU A DRINK! ANONG GUSTO MO?
REGINE: IKAW!!! YOU PICK FOR ME! (Aba naman at hindi ko mapigilan ang bibig ko ngayon ha! Dati naman nagagawa kong i-conceal ang real feelings ko! Ngayon kung anong maisip ko, lumalabas agad sa bibig ko! Parang si Richelle! Haha! Sarap pala talaga ng feeling pag nalalabas mo ang ang totoong sinasabi ng puso mo!)
Nagtagal pa kami ng ilang minutes. Ang daming nag-aalok saakin ng drinks! Sige inom lang ng inom!
EDWARD: HEY… ALAM MO HINDI KA DAPAT DITO SA GILID LANG… SA CENTER KA DAPAT! HOW ABOUT WE DANCE TOGETHER?
REGINE: HAHA! SURE!
At nagsasayaw na ako sa gitna, and all eyes on me! Wapakels sa mga babaeng ingetera! Ang sasagwa kasi nila!
REGINE: (Giling-giling!) WOOHHH!!! OHA OHA!!! (Seduction overload! Sorry guys, hanggang tingin lang kayo!)
RICHELLE: REGINE!!! (Oh! Nanjan na pala ang bestfriend kong role model ko sa kalandian!)
REGINE: ESPREN! LET’S PARTY!
RICHELLE: IF YOU’LL EXCUSE US! (Hinila niya ako bigla kaya parang nahilo ulit ako!)
EDWARD: NOT THAT FAST LADIES. AFTER I GAVE HER TONS OF DRINKS, GANON NA LANG YON?
RICHELLE: SO WHAT DO YOU WANT?
Nag-usap sila at hindi ko maintindihan! Sayaw pa rin ako ng sayaw! Hindi ko mapigilan! Hahahaha!!! Tapos maya-maya, jinombag ni Richelle si Manong! Hindi ko pa rin alam ang name niya!
Oh, tapos nakita ko rin bigla si Rye! May kalampungang babae? Ano yun? Pero papalapit na siya saamin! Saka lang ako natauhan nun, kaso saktong nag-blackout na ako!
Nagising ako nang nakasakay kami sa isang taxi!
REGINE: SYEETTTT!!! ANG BAHO NAMAN NG SASAKYAN MO KUYA DRIVER!
RICHELLE: SHEESH REGINA! (Tinakpan niya yung bibig ko.) SORRY MANONG, LASING LANG ‘TONG KAIBIGAN KO.
REGINE: DAPAT DITO SINUSUKAHAN EH! (Pagsabi ko nun, nagsuka nga ako! Nagsuka ako habang nakatakip pa yung kamay ni Richelle! Yan kasi!) AHAHAHA!!! TAPON MO NA ‘TONG TAXI MO ‘NONG! (And again, I’m out!)
Nagising ulit ako! At nasa bahay na kami… ang… ang sakit ng katawan at ulo ko! Pero May humihimas saakin… Rayce, my love of my life Rayce! Ikaw ba yan?
REGINE: ESPREN!!! (Punyemas! Akala ko chinachansingan ako ni Rayce! Si Richelle pala ‘to! Yuck! Pinagnasaan ko pa sana!!! EWW… anyway…) SI RAYCE… ANG GALING MAG-DRUMS NI RAYCE.
May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan! Hindi yata ‘toh si Richelle EH! Mamaw yata ‘to!
REGINE: ESPREN!!! SI RAYCE! ANG GWAPO NI RAYCE! (Bakit halimaw ‘tong kaharap ko? Ang baho pa niya! Amoy-suka! Kaduray much! Anyway, nasaan ka ba Richelle!) ESPREN SI RAYCE!!! (At tsaka pala yung nakita ko kanina about kay Rye! Dapat kong sabihin sa kanya!) SI RYE, NAKITA KO SYA, MAY KASAMA SYANG IBANG BABAE! PERO ESPREN, MAS MAGANDA KA AT HOT AT SEXY KA KESA SA KANYA!
Pagkasabi ko nun, biglang natawa yung “Babaeng-halimaw-na-akala-ko-ay-si-Richelle-pero-hindi-pala-dahil-hindi-ko-maintindihan-ang-sinasabi-niya pero-hindi-ko-pa-din-sure-yun!”
Timang nga din siya eh. Pagkatapos niyang tumawa, bigla na lang niya akong niyakap at humagulgol sa balikat ko. Teka… parang si Richelle nga ito. Boses niya na ‘to… sinong umaway at nagpaiyak sa kanya!!! Pinagpatong-patong na lintek yan!!! Pero wala akong magawa… kasi nakatulog lang ulit ako.
REGINE: AHHH!!! SARAP NG TULOG KO!!! (Nagunat-unat ako at tumayo na… kaso…) TEKA… BAKIT KAMI MAGKATABING NATULOG NI RICHELLE-TOT NGAYON? ANONG BANG NANGYARI KAGABI? WALA AKONG MAALALA.
Pinabayaan ko na lang SIyang matulog tutal Sunday naman ngayon! Nagpunta ako sa CR at pagbukas ko, isang kahindik-hindik na amoy ang naabutan ko!
REGINE: WHAT THE!!! RICHELLE!!!!!!!!! (Sinugod ko siya pabalik sa kwarto ko.) BAKIT AMOY SUKA AT ALAK NA NAMAN SA CR? UMUWI KA NG LASING KAGABI NOH!!! BUMANGON KA JAN! HINDI KA NA NATUTO! AKALA KO BA GRADUATE KA NA SA NIGHTLIFE MO! (Hindi man lang natinag!) HOY BABAE! TUMAYO KA JAN!!!
Natigil ako sa pagwawala ko nang mag-ring ang phone ni Richelle. Uy! Rye IS calling!!! Masagot nga! Sila magkasama kagabi eh, nag-inuman siguro sila!!! Hindi ko akalain na BI pala yang Rye na yan!
REGINE: HELLO!!!
RYE: HELLO RICHELLE! PLEASE DON’T HANG UP! MAGPAPALIWANAG AKO. (Magpapaliwanag? Bakit nag-away sila? Dahil dakilang pakialamera ako sa lovelife ng kaibigan ko, eepal ulit ako!)
REGINE: AHEM… (Nag-boses Richelle ako. Hindi naman siguro mahahalata!) GO ON!
RYE: WHAT HAPPENED LAST NIGHT, PLEASE FORGET THAT! KINALIMUTAN KO NA SI SHINAYA… SHE’S PAST, YOU’RE MY PRESENT AND MY FUTURE! (Uy ang landi! Sayang hindi ito maririnig ni Richelle! Nahihilik pa kasi siya! Hahaha!!! Ikukwento ko na lang sa kanya!) THAT KISS WITH HER, I WILL NEVER LIKE IT AGAIN! I’M NOT INTO HER ANYMORE SO PLEASE TRUST ME… AND FORGIVE ME. (Kiss!!! As in K-I-S-S? Biglang may nag-flashback sa utak ko na may nakita nga akong ganung scene ni Rye with another girl!)
REGINE: (I didn’t answer back. Baka mahalata na niya ang boses ko eh.)
RYE: PLEASE DON’T GIVE ME THAT SILENT TREATMENT! I’M SERIOUS! ALWAYS, AND YOU KNOW THAT! I’M SERIOUS WITH YOU! I’M NOTHING LIKE MY BROTHER RAYCE! (Nung nabanggit niya yung Rayce, nagkuliling yung tenga ko.) BELIEVE ME!
REGINE: WHAT ABOUT RAYCE?
RYE: I DON’T DO THINGS NA KATULAD NG MGA GINAGAWA NIYA SA MGA BABAE! SA LAHAT NG BABAE! KAGABI, YUNG NAKITA MONG PAKIKIPAG-FLIRT NI RAYCE KAY JIYEON, HE MEANT THAT! BECAUSE HE’S ALWAYS LIKE THAT! KAYA NGA NIYA PINABAYAAN ANG BESTFRIEND MONG PAGPIYESTAHAN NG IBANG LALAKI EH DAHIL GUSTO NIYANG UNAHING PASAYAHIN ANG SARILI NIYA! PERO YUNG EKSENA SA PAGITAN NAMIN NI SHINAYA, I DIDN’T MEAN IT, AND I DON’T EVEN LIKE IT! PLEASE RICHELLE…
Binabaan ko siya ng phone. I’ve heard enough! And I just gained all my memories from last night! Napatingin ako sa natutulog kong bestfriend, then I started crying… she saved me last night!
Nung nakalimutan na ako ni Rayce, si Richelle yung dumating para saluhin ako! She saved me from that dude I met na parang nagtake-advantage when I was out of my mind. Si Richelle… ang bestfriend ko… niligtas niya ako kagabi…
.
.
.
.
.
… kahit durog na durog na ang puso niya sa mga ginawa nina Rye at Rayce saamin.
REGINE: UWAAAAAAAAAH!!! (Pag ako umiyak, daig pa ang busina, loud speaker at pinaka maingay na tunog SA BUONG MUNDO. At dahil jan…)
RICHELLE: ANAK NG!!! (Napatayo siya bigla! Yan ang talagang pampagising kay Richelle! Pinaka-effective sa lahat! Ang aking pag-iyak!) REGINE? NAKA-IHI KA BA SA KAMA? BAKIT UMIIYAK KA? (Kahit may halong kaululan yun, nag-aalala talaga yan. Kaya niyakap niya ako.) HOY SIS BAKIT? MAY MASAKIT BA SAYO?
REGINE: ALAM KO NA RICHELLE!!! NAAALALA KO NA YUNG NANGYARI KAGABI! LAHAT!!! LAHAT-LAHAT!!! (Sinisi ko pa siya na amoy suka at naglasing kagabi! Ako pala yun!)
RICHELLE: (Pagkasabi ko nun, maluluha din ang mga mata niya pero pinipigilan niya. Actually, namumugto na ang mga mata niya kaya alam kong kagabi pa siya umiiyak!) REGINA NAMAN EH… PINAALALA MO ULIT!
REGINE: (Niyakap ko siya ng mas mahigpit.) SIS, TAYONG DALAWA LANG TALAGA ANG MAGKAKAMPI SA MUNDONG IBABAW! ANO NA? PAANO NA?
RICHELLE: (She sighed.) AYOKO NA… AYOKO NA KAY RYE. (Seryoso ba siya? Sumusuko na siya agad kay Rye?)
REGINE: KAUSAP KO SIYA SA PHONE PERO HINDI NIYA ALAM NA AKO PALA ANG KAUSAP NIYA… ANG SABI NI RYE…
RICHELLE: TAMA NA NGA REGINA! KUKUTUSAN KITA EH! AYOKO NA NGA DIBA? PAG SINABI KONG TAPOS NA, TAPOS NA TALAGA!
Hindi na ako nag-round two sa pagpapaliwanag! Kokotongan niya talaga ako, panigurado! At lalong hindi na siya makikinig sa kahit na ano pang explanation ni Rye! Kilala ko si Richelle, pag nagsabi na siyang AYAW na niya. TO HELL NA AYAW NA TALAGA NIYA.
REGINE: UM… YUNG ABOUT KAY RAYCE…
RICHELLE: AT WAG MONG MABANGGIT–BANGGIT ANG PANGALAN NG LALAKING YUN! AYOKO SIYA PARA SAYO! NAIINITIDIHAN MO! SAGOT!
REGINE: YOU DON’T HAVE TO TELL THAT. I CAN STILL REMEMBER WHAT HE DID TO ME… AND YES… I’LL FORGET ABOUT HIM TOO.
RICHELLE: PROMISE?
REGINE: PROMISE!
At ito ang isang bagay na hindi niyo pa nalalaman tungkol saamin! Pag sobrang magkasundo kami ni Richelle, yung tipong isa na lang yung heartbeat, hininga, at kahit pa yung pag-ikot ng digestive system namin, meron kaming secret HANDSHAKE na ginagawa. Hahahaha!!!
Ito ang steps:
1. Smile!!! Yung pinaka magandang smile!!! Pwede ring smirk!
2. Itaas ang right index finger.
3. Makipag-apir using that finger only.
4. Then poke your own cheek, then nose and lastly,touch your lips.
5. And finally, i-swish yung daliri with matching wink para cute!
Ay ito!!! May pahabol pa pala! Bagong dagdag na hindi namin sinasadyang gawin pareho!
6. EVIL LAUGH!!!
RICHELLE: BAKIT KA NATAWA?
REGINE: EH IKAW? ANONG TINATAWA MO RIN JAN? (Ayan! Nag-aala B1 at B2 ulit kami!)
RICHELLE: ALAM MONG HINDI YUN GANUN KADALI DIBA.
REGINE: OO… HAHA… SO…
RICHELLE & REGINE: GUMANTI TAYO! (Sabay naming sinabi! Nanlilisik pa ang mga mata namin at umuusok ang ilong namin!) GANTI DUN SA KAMBAL! AT GANTI DUN SA MGA BABAE NILA!
We grinned at each other, at hagalpak kami kakatawa. Nagpapaluan kami, binabato namin lahat ng mahawakan namin at walang makakapigil sa kabaliwan namin!
RICHELLE & REGINE: GAME!!!
Seryoso!!! Gaganti talaga kami!!! Humanda kayo! Kaming dalawa pa binangga niyong mga hinayupak kayo ha! HWAHAHAHAHA!!! We called this secret evil move: Project Riot Love Game!!!
Narito ang evil procedure namin sa paghihiganti:
RICHELLE: FIRST… KAKALIMUTAN KO NA SI RYE. AT KAKALIMUTAN MO NA DIN SI RAYCE.
REGINE: SECOND… YUN AY DAHIL AKO NAMAN ANG MAGHAHABOL KUNYARI KAY RYE AT IKAW NAMAN ANG MAGHAHABOL KUNYARI KAY RAYCE!
RICHELLE: THIRD… DAHIL SI RAYCE NA ANG KINA-CAREER KO, MAPAGSESELOS KO SI RYE! AT DAHIL SI RYE NAMAN ANG KINAKA-CAREER MO, MAPAGSESELOS MO DIN SI RAYCE!
REGINE: FOURTH… SO NAGCHANGE-OF-HEART NA TAYO, KUNYARI TAYO NAMAN ANG MAG-AAWAY! PERO ACTING LANG YUN! NONE OF IT ARE REAL!
RICHELLE: FIFTH… SAKA PAPASOK SA PLANO SINA JIYEON AT SHINAYA! IKA NGA NILA, “KEEP YOUR FRIENDS CLOSE, AND ENEMIES CLOSER!”
REGINE: SIXTH… KOREK KA JAN SIS! PAG KUNYARING CLOSE KO NA SI JIYEON DAHIL NGA INIISIP NA NIYANG IKAW NA ANG BAGONG NIYANG KARIBAL KAY RAYCE, SAKA KO SIYA PAGLALARUAN NA PARANG HAMSTER! GANUN KA DIN KAY SHINAYA!!! KUNYARI CLOSE NA KAYO DAHIL GALIT NA SI SHINAYA SAAKIN, PERO ANG TOTOO, PINAPAIKOT MO LANG SIYA NA PARANG SALAGUBANG NA NAKATALI SA SINULID!
RICHELLE: I LOVE IT SIS! SEVENTH… PAG NAGKAGULO NA SILANG APAT, SAKA NATIN IPAPAKITA NA NAGKABATI NA TAYO! WALA NANG KAKAMPI YUNG DALAWANG BRUHILDA, AT PINAHIYA PA NATIN YUNG KAMBAL DAHIL SASABIHIN NATIN THAT WE’RE NOT REALLY INTERESTED WITH THEM!
REGINE: EIGHTH… AT TIME NA PARA BASAGIN NANG TULUYAN ANG PUSO NINA RAYCE AT RYE!
RICHELLE: NINTH… AT GANUN DIN ANG PAGBASAG SA MGA PAGMUMUKHA NINA JIYEON AT SHINAYA!
REGINE: AND LAST BUT NOT THE LEAST! TENTH… CELEBRATION DAHIL SA MAGIGING VICTORY NATIN AGAINST THEM!!!
RICHELLE & REGINE: HWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!
Parang mga bangag lang noh! Ganyan ka-planado ang paghihiganti namin! Humanda kayo!!! Day 1 of Riot Love Game PROJECT!
REGINE: (I went to school early as usual! Ganitong oras din kasi pumapasok si Rye! Mauuna na akong simulan ang maiitim naming balak ni Richelle!) RYE!!! (Pumasok na lang ako bigla sa SC room.)
RYE: REGINE??? WHAT… WHAT ARE YOU DOING HERE SO EARLY? (Lumingon-lingon pa siya sa likod ko. Akala mo makikita mo si Richelle? Mamaya pa yun noh!)
REGINE: ARE YOU LOOKING FOR RICHELLE? BALITA KO NAG-AWAY KAYO HA.
RYE: YEAH… HINDI PA NGA NIYA AKO KINAKAUSAP AFTER I CALLED HER YESTERDAY MORNING (Aww! He look so sad… tanggalin ko spinal cord mo eh!)
REGINE: GANUN? DON’T WORRY, SHE’LL FORGIVE YOU, I PROMISE! (Talaga!!! Mamaya, aacting na parang wala na lahat kay Richelle yun! Na nakamove-on siya agad! Aabangan ko yang pam-best actress na acting na yan ni Richelle) ANYWAY… I NEED YOUR HELP. MAY KLASE KA NA BA? (Syempre the move kong pa-kyut ang gamit ko! Hahaha!!!)
RYE: WALA PA NAMAN! ANO BA YUN? (Parang nahihiya pa ang mokong at hindi makatingin saakin ng direcho! Takot magkasala kay Richelle? SINNER KA NA NOH!!! At sinimulan ko nang tustahin ang kaluluwa mo!)
REGINE: SAMAHAN MO NAMAN AKO SA LIBRARY… I NEED TO FIND A BOOK, AND I’M SURE YOU CAN HELP ME.
RYE: AH…O…SIGE…
Hehe!!! Naglalakad na kami, at parang ang stiff ng movements niya. I’m pretty sure ibu-brought up niya yung paglalasing ko sa WineLine last Saturday!
RYE: KAMUSTA KA NA NGA PALA, AFTER NUNG SA WINELINE?
REGINE: (Sabi ko na eh! Daig ko pa si Madam Auring at nahuhulaan ko ang sasabihin ng lalaking ‘to!) GREAT!
RYE: HA? I MEAN… YUNG GAGU KO KASING KAKAMBAL… GUSTO KONG MAG-SORRY SA GINAWA NIYA SAYO. I SHOULD HAVE WARN YOU BEFOREHAND THAT RAYCE IS…
REGINE: IT’S OKAY RYE… I DON’T LIKE HIM ANYMORE.
RYE: AGAD?
REGINE: YEAH! AND BESIDES, I REALIZE NA CRUSH LANG PALA YUNG NARARAMDAMAN KO KAY RAYCE! NO MORE, NO LESS!
RYE: AH… HINDI KO ALAM NA GANUN KA PALA KADALING MAGMOVE-ON!
REGINE: WHY? DUN BA SA FIRST LOVE MONG SI SHINAYA… HINDI KA PA NAKAKAMOVE-ON? (Kunyari wala akong alam!)
RYE: SHINAYA IS NOTHING TO ME ANYMORE! (He firmly said.)
REGINE: (After saying that, I found this a great chance to make another move! I cutely smiled at him, with my eyes twinkling!) GOOD! YOU KNOW WHAT… I’M REALLY STARTING TO LIKE YOU!
RYE: HA? ANO?
REGINE: BAKIT? HINDI BA PWEDENG HINDI MAGKAGUSTO SAYO? SERYOSO KA NA BA KAY RICHELLE? OH COME ON!!!
RYE: BUT… BUT SHE’S YOUR BESTFRIEND.
REGINE: BAKIT MALALAMAN BA NIYA?
RYE: (Namula siya bigla! Ang tipo talaga ni Rye ay stick-to-one! Pero huli na ang lahat! I know his next move already. Tanchado ko ‘to dahil ganito rin ang gagawin kung sa totoong buhay ko ‘to mangyayari! Itu-turn down niya ako!) I’M SORRY REGINE BUT…
REGINE: (See!!! Sorry daw agad oh!) PLEASE DON’T SAY THINGS YOU DON’T REALLY MEAN, RYE. (Alam ko kung ano ang weak point ng lalaking ‘to. I slowly move closer at his face and whispered to his ear.) I LIKE YOU. PLEASE DON’T HURT ME. JUST TRY THIS ONCE.
RYE: (Napatakip siya ng bibig niya at napalayo saakin.) DARN! DON’T DO THAT!
REGINE: (I went close at him again, and this time kumapit na ako sa braso niya. Nilagkitan ko pang mas malala pa sa glue ang mga tingin at pagpapacute ko sa kanya!) LET’S DO THIS WHEN WE ARE ALONE, JUST LIKE AT THIS MOMENT! SO DON’T WORRY! PAG MAY IBANG TAO NAMAN, I SWEAR I’LL BEHAVE.
Hindi na nakapag-react pa si Rye. Nag-iisip yan ng malalim kung anong gagawin niya, pero sa kasamaang-palad, nahulog na siya sa bitag ko! Naks!!!
Anyway, nag-end na yung klase ko for this day! Panigurado, nakagawa na rin ng move si Richelle kay Rayce kaninang tanghali siguro! Ipapa-kwento ko na lang sa kanya, at iku-kuwneto ko na rin sa kanya yung nangyari saamin ni Rye! Na-success ako! Ahahahaha!!!
Naglalakad na ako at hinahanap ang babaita kong espren, kaso may nasalubong akong masagwa sa paningin ko!!! Si Jiyeon yun, at kausap niya yung Shinaya!!! Magkakilala sila? At teka? Ano ‘tong eksenang ito!!! Parang mag-bestfriend din yung dalawa!!!
Nakita nila ako, at lumapit sila saakin. And the way they moved closer, parang naghahanap ng away!
SHINAYA: HEY… YOU’RE THAT DRUNK GIRL FROM WINELINE, RIGHT? YUNG KASAMA NUNG MATON NA – WHAT’S THAT STUPID GIRL’S NAME AGAIN? RICHELLE!!!
JIYEON: BHESY, BESTFRIEND NIYA YUNG RICHELLE NA YUN! AND SHE IS REGINE, BY THE WAY. JUST ONE OF RAYCE’S FANS! (Eww! Bhesy daw??? Ang sagwa ng tawagan nila!!! Walang-wala saamin ni Richelle, kung anu-ano lang! Hahahaha!!!)
REGINE: (Anyway, wala pa naman kami sa procedure na kailangan kong makipagkaibigan kay Jiyeon eh. So papatulan ko sila pareho! Gaganti muna ako sa ginawa nila kay Richelle! Tapos saka na yung talagang ganti na part sa Project Riot Love Game!) OH! A SKANKY SLUT AND A FUGLY BITCH TOGETHER! WHAT A FUNNY SCENE!
SHINAYA: ANONG SABI MO?
REGINE: WHY? DO I HAVE TO SPELL IT OUT FOR YOU?
SHINAYA: YOU DON’T TALK TO ME AND TO MY GIRL LIKE THAT!
JIYEON: I THINK HINDI PA RIN NIYA NARE-REALIZE KUNG ANONG SITUATION NIYA NGAYON.
REGINE: WHATEVER THAT STUPID SITUATION YOU’RE TALKING ABOUT, I DON’T GIVE A DAMN!
Tameme yung Shinaya at asar-talo naman yung si Jiyeon. Akala kasi nila, just because pa-sweet and cute type ako, ganun na lang ako kadaling ma-bully! Kaya nga wala ding bumabangga saamin ni Richelle simula pa nung ipinanganak kami ay dahil sa angkin naming talent.
Si Richelle, she can fight back at you physically! Oh diba ang galing nga niya manuntok! At ako naman, I can ruin someone just by talking! Emotionally and physically mabubugbog ka saakin with the things I might say. Sa inis ni Jiyeon, nasampal niya ako. Langya, mahina ako sa pisikalan, sa salita lang dapat!!!
REGINE: (Ang sakit nun Jiyeon ha! Humanda ka saakin!) EWW!!! YOUR HAND IS AWFULLY ROUGH AND IT SMELLS REALLY DISGUSTING! (Sabay punas sa pisngi ko at nandidiri pa ako kunyari!)
SHINAYA: WHY YOU!!! (Ahh!!! Pikon sila pareho!)
Sasampalin sana ako ulit kaso may dumating na to the rescue!
RICHELLE: GO AWAY FROM HER!!! (Tinulak niya sina Shinaya at Jiyeon nang walang kahirap-hirap!) REGINA… OKAY KA LANG?
REGINE: BRU! (Bigla na lang sumulpot si Richelle! Anyway I’m happy!!!)
Pero teka… bakit kasama niya sina Rayce at Rye? Ang galing maka-move ni Richelle sa project namin! Natuhog niya agad yung dalawa!
RYE: SHINAYA, ARE YOU OKAY?
RAYCE: JIYEON…
WATDAPACKER!!! Bakit yung kontrabida yung kinampihan nila? Ang nakita lang ba nila eh yung tinulak ni Richelle sina Shinaya at Jiyeon? Anak ng timing naman yan ng kambal!
RICHELLE: HOY! PAGSABIHAN NIYO YANG DALAWANG YAN AT PINAGTUTULNGAN NILA SI REGINE!
RAYCE: BUT YOU DIDN’T HAVE TO PUSH THEM THAT HARD! (Shet ka Rayce! Mapapatay kita eh! Bakit sila kinakampihan mo!!!)
REGINE: HOY HYEUNG! (Ayoko na siyang tawaging Rayce! Nabu-bwiset lang ako lalo!) PWEDE BA WAG KANG MAKISALI SA GULO!
JIYEON: HOY BABAE! WALA KANG KARAPATANG PAGSABIHAN NG GANYAN SI RAYCE HA!
REGINE: HEY YOU HAGGARD-LOOKING WHORE! DON’T SHOUT!!! I CAN SMELL YOU FROM HERE!
JIYEON: ABA’T TALAGA NAMANG… (Kinalmot niya ako sa mukha bigla!)
REGINE: AWW… (At napahawak lang ako sa pisngi ko!)
RICHELLE: TINGEENA KA!!! (Nagalit bigla si Richelle sa ginawa ni Jiyeon kaya dinamba niya si Jiyeon at binabalibag niya siya! Lalo kaming nagkagulo! Buti na lang saktong walang tao sa paligid! Kung nagkataon, sa guidance ang bagsak namin!) IKAW BABAENG NA-LATE ANG EVOLUTION! WALA KANG KARAPATANG SAKTAN ANG KAIBIGAN KO!
Umaawat na sina Rye at Rayce, kaso ito namang si Rayce ang talagang epal! Ayaw niyang masaktan si Jiyeon ha! Kaya sinuntok siya ni Richelle. Buti nga sayo!
SHINAYA: RYE! PIGILAN MO NGA YANG BABAENG YAN! (Alam kong gusto niyang tulungan ang kaibigan niyang si Jiyeon, pero parang naatras siya sa pagka-wild ni Richelle. Alam niya kasing no match siya!) WALANG BREEDING! HINDI BA SIYA TINURUAN NG PARENTS NIYA? PATI DITO, DINADALA ANG KA-CHEAPAN! (Pagkasabi niya nun, ang tenga ko naman ang nagpintig!)
REGINE: ANONG SABI MO KAY RICHELLE? ULITIN MO NGA?
SHINAYA: DALHIN MO YANG KAIBIGAN MONG ASAL-SQUATTER PABALIK SA DAMPA NIYO!
REGINE: AHH GANUN HA! (At hindi ko na din talaga napigilan ang sarili ko. Kanina nung ako lang ang inaaway at sinasaktan nila, wala akong balak na gantihan sila physically! Pero ibang usapan na kapag si Richelle naman ang inaway nila!) YOU UGLY LOOKING SLUT FACE!!! WALA KANG KARAPATANG SABIHIN YAN SA KAIBIGAN KO!!!
Nahati na yung pag-awat saamin! At dahil todo awat si Rye saamin imbes na tulungan niya si Richelle, sinuntok ko rin siya sa mukha!
Natigil lang kami nang pareho nang nakaluhod sina Rayce at Rye sa suntok naming mag-bestfriend! Knockdown na din sina Jiyeon at Shinaya! Pero hindi namin sila pinansin, umalis na kami agad ni Richelle para magcool down! Sheett… Ang sakit ng fist ko! Ang tigas pala ng mukha ng tao, pero ang sarap ng feeling na manuntok! DAY 1 ENDS HERE!
Dahil sa nangyari ngayon, lalo lang kaming ginanahan ni Richelle na gawing mas brutal yung Project Riot Love Game! Bring it on mga chipangga!!!
End of Chapter 12
nice!!! dalian mu nmn ung update dito! ang dmi kasi pages dun sa PF kakatamad mag-lipat!
ReplyDeletemas mdali bsahin d2 kaya dalian mu update pls.