Wednesday, January 4, 2012

Riot Love Game : Chapter 10


CHAPTER 10
(Regine POV)



Kababaeng tao namin ni Richelle, naglandian lang kami para mawala yung hilo ko. Nakow, susuka talaga ako pag nagkataon, pero buti na lang at hindi yun natuloy! Sa makapanindig balahibo naming harutan, napansin kong naiinggit yata ang mga boys! Ahahaha!!! Nakatingin lang kasi saamin sina Rye at Rayce…



Naka-survive naman din ako nang makarating na kami sa Baseco. Inalalayan ako ni Rayce bumaba ng van, at gaya-gayang Rye ‘to! Hindi papatalo, inalalayan din si Richelle! Ayiiiiiiehhh!!!



RAYCE: HERE’S MY JACKET RHEDJ, USE IT PARA HINDI KA MASYADONG MAINITAN.



REGINE: THANKS.



Naglalakad na kasi kami sa initan kaya hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong malanghap ang jacket ni Rayce! Napatingin naman ako sa bespren ko, kawawa naman. Parang magha-hallucinate na dahil sa init. Wala kasing mapahiram na jacket si Rye sa kanya.



RYE: RICHELLE! RICHELLE!



REGINE: BRU! NAHIHILO KA PA RIN BA HANGGANG NGAYON?



RICHELLE: HUH? HUH? ANO YUN? (Sabi na nakakakita na ‘to ng oasis sa desyerto ng basurahan eh!)



Lalo lang sinubok ang tapang namin nang mapunta kami sa isang tulay. Kapag nahulog ka kasi dun, sa tambakan ang direcho mo! ISIPIN MO NA LANG KUNG ILANG BACTERIA ANG MAKUKUHA KO DIBA? Ano ba ito!!!



RAYCE: YOU GO FIRST RHEDJ.



REGINE: H-HA? IKAW NA LANG, AKO NA LANG ANG HULI.



RAYCE: ARE YOU AFRAID? SABAY NA LANG TAYO, HAWAKAN MO NA LANG YUNG KAMAY KO. (Kaso naisip ko, ano namqng magagawa ng paghawak ko sa kamaya niya kung nanginginig na ang tuhod ko!!!)



REGINE: O-OK… EEEIII… NATATAKOT TALAGA AKO EE… (Nawawala yung pagkamahinhin mo Regine!!! Umayos ka nga!!!)



Wala pa kami sa kalagitnaan ng tulay, at hindi na ako makausad. JUSMIO!!! Ano bang klaseng torture ito! At dahil sa walang tigil ang pagshi-shake ng katawan ko, binuhat na lang ako bigla ni Rayce!



Pinagtinginan kami ng mga tao!!! Para akong prinsesang binuhat ng prince charming ko!!! Hihimatyin na yata ako sa eksenang ‘to!



RAYCE: THERE YOU GO. SAFE AND SOUND TAYONG NAKATAWID SA TULAY NA YAN. (Sabay kindat saakin, kaya lalo lang naging ewan yung reaction ko!)



At dahil sa kilig moment na yan kaya walang habas din akong inasar ni Richelle. Nag-lecture pa tungkol kay Kuya Kim, akala naman niya hindi ko alam yun!



Pero kaya ganyan yan dahil sa nag-aalburuto na siya sa pagiging silent suitor nitong si Rye. Matulungan na nga ang bespren ko sa kumag na Rye na ‘to!



Dahil sa angking kadaldalan nila Richelle at Rayce, patok agad ang attitude nila sa mga tao dito. Magaling silang makisama, hindi tulad ko at ni Rye! Anyway, dahil busy na sila, it’s my time para gisahin na ‘tong si Rye!



REGINE: NILILIGAWAN MO NA BA SI RICHELLE?



RYE: (Tumatawa siyang parang ugok habang pinapanood sina Richelle. Kaya nga ang epic ng itsura niya nang bigla akong magtanong ng ganun.) HA…? WHY DID YOU ASK?



REGINE: DON’T ANSWER ME WITH ANOTHER QUESTION! YES OR NO LANG!



RYE: AHEM… (Hindi makasagot agad! Hindi naman explanation ang hanap ko! Simpleng oo o hindi lang!)



REGINE: WAG MONG PAASAHIN SI RICHELLE, KUNG HINDI MO NAMAN SIYA NILILIGAWAN. PERO KUNG GUSTO MO NAMAN SIYA, PWEDE BANG SABIHIN MO NA LANG NG DIRECHO! HINDI NAMAN KASI MANGHUHULA ANG BESPREN KO NA NAGE-GETS LAHAT NG GINAGAWA MO EH.




RYE: TEKA… BAKIT NAGAGALIT KA?



REGINE: HINDI AKO GALIT. NAGTATANONG LANG!



RYE: ALAM NA NAMAN NI RICHELLE YUN EH. (Anong alam!!! Eh hindi pa nga sigurado si Richelle kung ano bang hangin ang tumatakbo sa utak ng lalaking ‘to!)



REGINE: MAY GUSTO KA BA SA KANYA? WAG KA NGANG TORPE!



RYE: BAKIT IKAW KAY RAYCE? GUSTO MO BA KAKAMBAL KO? (Bakit yung pati saamin ni Rayce, nadamay? Eh sila nga yung topic!!!)



REGINE: SAGUTIN MO NA LANG KASI AKO!!! (Hindi ko napansing napalakas na pala yung boses ko at narinig ng lahat yung sinabi ko.)



RYE: OO! OO NA!





RAYCE & RICHELLE: ANONG OO NA?





RICHELLE: ANONG SINASABI MO JAN, REGINE ARAGON? BAKIT SASAGUTIN KA NI RYE? NILILIGAWAN MO BA SIYA? (Nakasimangot ang bruha! Ano namang akala niya! Chippanggarutay ako at manliligaw sa lalaki?)





RAYCE: AT ANONG OO YUN RYE? KAYO NA? SINASAGOT MO NA SIYA? (Oh my gosh! Ibang message din ang nakuha ni Rayce!!! Ano ba ‘to!!!)





REGINE & RYE: WHAT??? OF COURSE NOT!!!





Dahil sa kaguluhang ito, natapos yung out-reach program nang hindi ako pinapansin nina Richelle at Rayce! HINDI BA PWEDENG MAGPALIWANAG?




Tinignan ko yung itsura ni Rye, parang walang planong magpaliwanag! Paano, kapag in-explain kasi namin kung ano talaga yung pinag-usapan namin kanina, malalaman na ni Richelle na may gusto na nga si Rye sa kanya?




Naghahakot na kami ng gamit at pabalik na sa van.




REGINE: RICHELLE!




RICHELLE: DON’T TALK TO ME. (Sabay iwas at talikod saakin.)




RAYCE: REGINE…




REGINE: TEKA WAG MUNA RAYCE! (Kay Richelle muna ako magpapaliwanag kaya sinundan ko siya.) RICHELLE-TOT!!! SANDALI NGA LANG!





RICHELLE: HALIPAROT! MALANDI! ANG KATI MO! PAKUNYARI KA PA, MANG-AAGAW!





REGINE: NILILIGAWAN KA NA NI RYE!!! (Napatigil siya sa pagwawala at pang-aalipusta sa kagandahan ko. Pasalamat ka Richelle bespren kita at mahal kita! Kung ibang babae ka pa, kinalmot na kita!) YUNG PINAG-UUSAPAN NAMIN KANINA, SINISIGURADO KO KUNG NANLILIGAW NA BA SIYA!





RICHELLE: NANLILIGAW? KANINO SIYA NANLILIGAW? ANAK NG!!!





REGINE: TUNGAKS! EH DI SAYO! ALANGAN NAMANG SAAKIN? (Nag-evil eye na naman siya. Kung maka-pout pa akala mo ant-eater yung nguso!)





RICHELLE: EH ANO YUNG OO NA SINAGOT NIYA SAYO?





REGINE: BUGENG!!! OO!!! YUN YUNG SAGOT NIYA!!!





RICHELLE: HA? (Lakas nga ng sex-appeal ng babaeng ito, ubod naman ng slow!) ANONG OO?





REGINE: OO AS IN OO!!! NILILIGAWAN KA NA NIYA DAHIL OO, GUSTO KA NIYA!





RICHELLE: AKO… GUSTO... NIYA? (Budoy ikaw ba yan? Nauutal pa niyang sinabi!)





REGINE: ISA PANG ULIT RICHELLE, IBABAON KITA SA BASURAHAN!!! OO!!! GUSTO KA NIYA. NAG-USAP KAMI AT TINANONG KO SA KANYA TO CONFIRM IT!





RICHELLE: WEH?





REGINE: OH SIGE, GUSTO MO SAAKIN MAY GUSTO SI RYE?





RICHELLE: PAKSHET KA?





REGINE: SAYO NGA MAY GUSTO SI RYE! WAG KA NANG MAGTAKA JAN. KAILANGAN KASI MAGALIT MUNA BAGO PAKINGGAN ANG PALIWANAG EH. AS IF NAMANG AAGAWIN KO SAYO SI RYE, EH SI RAYCE NGA ANG GUSTO KO!!!





RYE: WHAT? GUSTO MO SI RAYCE?





What-the-pyok!!! Anong ginagawa ni Rye sa likod namin!!! Pinapakinggan niya ang usapan namin ni Richelle!!! OH NO??? Narinig niya mula sa bibig ko!!!





Think of something Regine!!! Paganahin mo yang brain cells mo! THINK! THINK! Jimmy Neutron, ako na ba ‘to?





REGINE: YOU TWO NEED TO TALK!






RICHELLE: HA? (Kung kelan naman mag-uusap na sila, saka pa biglang parang naputulan ng dila si Richelle!)





RYE: HEY… YOU JUST SAID THAT YOU LIKE…





Mokong na Rye ‘to! Uulitin pa. Wala tuloy akong ibang choice kundi, hawakan si Richelle at itulak kay Rye. Hahahaha!!! Si Richelle ang effective na pambato kay Rye!





RICHELLE: ARAY KO NAMAN BRU!!! (Napalakas yata ang pagtulak ko kay Richelle at natumba sila pareho. Sinalo naman siya ni Rye kaya ang nasubsob sa putikan, si Rye!)





RYE: WHAT THE F*CK! ARE YOU OKAY RICHELLE?





RICHELLE: HA… OO… (Actually, pati si Richelle, natalsikan ng putik, kaya nga umuusok na ang ilong niya saakin eh.) REGINA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!





REGINE: PEACE!!! (Ang yagit nilang tignan!!! Ahahaha!!! Maldita mode na naman, pero hindi ko sinasadya yun, promise!) MAY POSO NAMAN DUN, SABAY KAYONG MALIGO!





RICHELLE: IKAW!!! (Syempre hindi papatalo si Richelle at gaganti yan para matumba din ako sa putik kaya tumayo siya at hihilain sana ako.)





Pero dahil sa mabilis pa ako kay Flash, tinakbuhan ko na sila agad! Si Richelle hinahabol ako, at ewan ko kung bakit sumunod na rin sa paghabol saamin si Rye. PUCHA!!! Gaganti rin siya!!!





REGINE: AYOKO NA! PLEASE MAG-USAP KAYO!





Hindi ako makaka-layo dito hangga’t hindi ko tinatawid yung mortal enemy kong tulay… kaya tumakbo ako papunta kay Rayce!





REGINE: RAYCE TULUNGAN MO AKO DALI!!! (Galit pa yata siya dahil hindi pa ako nagkakapagpaliwanag sa kanya, at ini-snob ko pa siya kanina.)





RAYCE: AND WHY WOULD…





REGINE: DALI BUHATIN MO AKO AT ITAWID MO AKO DUN SA TULAY!!! (Katapusan na ng buhay ko kapag nahuli ako nina Richelle at Rye! Kakatakot ang team-up ng dalawang yun! Parang kumakain sila ng buhay na tao!)





Sumakay ako sa likod ni Rayce, at wala siyang nagawa kundi ang tumakbo na at tumawid sa tulay.





RICHELLE: HOY REGINE ARAGON!!! HUMANDA KA SAAKIN KAPAG NAHULI KITA!!!





REGINE: MALIGO KAYO NI RYE!!! SA CONDO NA ULIT TAYO MAGKITA!!!




RICHELLE: REGINEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!





Yun ang huling sigaw na narinig ko. Hindi na ako sumakay sa school van na maghahatid sana saamin pauwi. Magko-commute na lang ako kesa makasabay ko sina Richelle.





Nakakatakot pa naman yung ganti ng babaeng yun. Isusubsob niya rin ako sa putikan pag nagkataon, kaya nauna na akong umuwi.





RAYCE: CAN WE JUST STOP! I’M TIRED!!! LET’S REST!





REGINE: RAYCE!?!?!?!?!?!?!?! SUMUNOD KA? (Akala ko nung kinuha ko na yung bag ko sa van, nagpaiwan na siya. Kanina pa niya ako sinusundan?)





RAYCE: WHAT WERE YOU THINKING? YOU KNOW WHAT I’M STARTING TO GET IRRITATED WITH YOU! (Ouch!!! It’s my fault! Nagalit na si Rayce saakin!!! What should I do?)





REGINE: BAKIT KA PA KASI SUMUNOD SAAKIN NA MAG-COMMUTE!





RAYCE: BECAUSE YOU SAID YOU WANT MY HELP!!!





REGINE: SABI KO BUHATIN MO LANG AKO PARA MAKATAWID DUN SA TULAY! I DIDN’T SAID NA SUMUNOD KA!





RAYCE: AND YOU THINK NA GANUN LANG KADALI YUN? YOU OWE ME BIGTIME PRINCESS RHEDJ!!! (Hindi ko akalaing may tinatago palang ganitong kasupladuhan si Rayce! Akala ko puro kalandian lang ang alam niya! Para din pala siyang si Richelle kung magalit!!!)





REGINE: WAG MO NGA AKONG SIGAWAN.





RAYCE: WHERE’S THE TICKET I GAVE YOU? (Teka… babawiin ba niya yung ticket na binigay niya saakin para dun sa gig niya? AYOKO!!! Gusto ko pa naman siyang panoorin!!!)





REGINE: I… I THREW IT AWAY!





RAYCE: (Napataas siya ng kilay sabay hablot sa bag ko. Hinalukay niya yung mga gamit ko hanggang sa nakita niya yung ticket na nakalagay sa wallet ko.) AH… TINAPON MO SA WALLET MO?





REGINE: (Basag ka dun Regine! Pahiya! Nakakaasar naman oh! Hindi ko na tuloy siya mapapanood sa gig niya!) THEN HAVE IT! SAKSAK MO SA BAGA MO!!! AS IF NAMAN GUSTO KITANG PANOORIN SA GIG MO! (Pero deep inside my broken heart, puro dugo na ang iniluluha ko.)





Tumalikod na lang ako at naglakad na palayo kay Rayce. Akala mo Rayce, hahanap na lang ako ulit ng bagong crush!!! Sa ganda kong ‘to, walang tumatanggi saakin noh!





RAYCE: AND WHERE THE HELL DO YOU THINK YOU’RE GOING?





Hinila ako ni Rayce at wala akong nagawa sa pagkaladkad niya saakin. Para akong saranggolang sumusunod lang sa hangin. Naks, ang lalim! Nakakalunod!





REGINE: WHY AM I WEARING THIS? (Nasa loob kami ng store, at pinasusukat ng mga damit. This is my third dress, at mas cute itong suot ko ngayon compared dun sa mga nauna kong sinukat.)





RAYCE: I’LL PAY FOR THAT! (Nagpunta na siya sa cashier at binayaran na agad yung suot ko!)





REGINE: HOY RAYCE HYEUNG! ANO AKO? BARBIE DOLL MO NA PWEDE SA ISANG DRESS-UP GAME?





RAYCE: (Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo! Tapos saka siya tumitig saakin.) BARBIE DOLL? I LIKE THAT! YOU’RE MY BARBIE DOLL!





REGINE: WELL EXCUSE ME! HINDI MO AKO LARUAN!!!





RAYCE: DON’T WORRY! I DON’T PLAY WITH BARBIE DOLLS!





Teka… if he meant that I’m his Barbie Doll… then hindi niya ako paglalaruan? Hindi niya paglalaruan ang puso ko? Seryoso ba siya?





Anyway, siya naman ang namili at nagpalit ng damit. Naka-black na siya, at syet!!! Ang gwapo niyang rakista!!!





RAYCE: LET’S GO! I DON’T WANT TO BE LATE!





REGINE: SAAN MO BA AKO DADALHIN?





RAYCE: AT MY GIG! SA WINELINE! TUTUGTOG AKO, REMEMBER?





So kahit pala nagtalo kami kanina, mapapanood ko pa rin yung gig niya. Kilig to the bones and tagos to the balun-balunan!!! Mygash!!!





Pagdating namin sa WineLine, nagtilian agad yung mga babaeng nag-aabang sa labas. Kilala siya dito? Sikat siya sa mga girls!!! Bombahin ko ‘tong mga fans niya eh!



Pagpasok namin sa loob, ang ingay!!! Wala na akong marinig!!! At ang dami pang smokers at nag-iinuman kung saan-saan! Anong oras na ba? Anak ng!!! 10 PM na pala!!!





RAYCE: STAY HERE AND NEVER LEAVE THIS SPOT! GET IT?





REGINE: OO. (Napatango lang ako. Makikinig na lang ako dahil wala naman akong alam sa lugar na ‘to. First time ko lang sa bar, at nakakatakot gumalaw dito!) TEKA… IIWAN MO AKO?





RAYCE: I NEED TO GO WITH MY BAND! MALAPIT NA KAMING MAG-PERFORM! YOU JUST STAY HERE AND IGNORE EVERYTHING JUST LIKE YOU ALWAYS DO!





REGINE: IGNORE EVERYTHING! OKAY!





Pagkaalis na pagkaalis pa lang ni Rayce, hindi ko na napigilan ang sarili ko! Maganda rin naman pala sa bar! But I have to ignore everything! IGNORE! IGNORE! IGNORE!





BARTENDER: WANT SOME DRINKS, MISS?





REGINE: (WOW!!! Mukhang masarap yung inaalok niyang inumin! Ma-try nga.) SURE!





Ganito pala sa bar! Hindi mo na mapapansin yung oras, yung paligid, at yung mga tao! Nakakaadik pa ‘tong binigay ng bartender, pangatlong baso ko na ‘to! At ra-round four pa ako!





REGINE: WUUUUUUUUHHHH!!! (Tapos biglang nag-vibrate yung phone ko… si Richelle tumatawag!) BRUUUUUU!!!





RICHELLE: HOY BRUHA!!! NASAAN KA NA? KANINA PA KAYO NAKAALIS NI RAYCE DIBA? MAGI-ELEVEN NA OH! UMUWI KA NA!!!





REGINE: BRU… HINDI KA NA GALIT? HEHE… ANO SABAY BA KAYONG NALIGO NI RYE KANINA? HAHA! KAMUSTA YUNG KATAWAN NIYA, NALASAP MO NA BA?





RICHELLE: ULUL REGINA! BAKIT GANYAN KA MAG-SALITA! (Kunyari pa ‘to si Richelle! I wonder kung ano nga kayang nangyari sa kanila ni Rye nung iniwan namin sila.) HOY!!! SAAN KA BA DINALA NI RAYCE?





REGINE: HMM… TEKA BRU!!! (Nagtilian na kasi yung mga babae, at nakita ko nang nakapwesto si Rayce sa drums.) TUTUGTOG NA SINA RAYCE! JAN KA NA HA… HAHAHAHAHA!!!




RICHELLE: HOY REGINA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!





Pinatayan ko na ng phone si Richelle. At pinanood ko na tumugtog si Rayce! Pero bakit hindi ko ma-enjoy? Parang nahihilo na ako sa nainom ko… wuuuuhhhh!!! Hoy, Richelle, tumawag ka nga ulit… nandito ako sa WineLine, pwedeng pasundo?




Parang sabog lang! hahaha!!!



End of Chapter 10



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^