Friday, January 27, 2012

Luhang Dinulot Mo [POEM]

(Credit goes to the owner of this photo)


Walang maisip,walang nais sambitin
Di ko alam kung kaya pa
Di ko alam kung papatak pa ang mga luha
Mga luhang inanod na ng ulan

Kaya heto ako ngayon
Nag-iisa sa isang tabi
Pasan-pasan ang nilikha mong sugat
Sa puso kong puno ng pighati

Hinagpis ng damdamin
Ay dinadaan na lang sa luha
Para mawala ang dinulot mong kasawian
Iwan ko ba,bakit mo ako ginanito?

Bakit pa ako nagtiwala sa isang tulad mo?
Pinaasa't sinaktan mo lang ako
Lahat ay tiniis ko
Tanong ko lang,panakip butas lang ba ako?



2 comments:

  1. Tanong ko lang,panakip butas lang ba ako? -> yan ang pinakamahirap sabihin sa taong mahal mo pero lgi ka lng pinapaluha! T..T

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^