Monday, December 19, 2011

Boyfriend in Disguise : Pick-Up Lines


Ito po ang list ng mga nakakakilig, nakakatawa at nakakaumay na pick-up lines na nagamit ko sa fictional story kong "Boyfriend in Disguise". Hindi lahat ay original kong ginawa, kundi inspired lang sa ibang mga banat na kumakalat sa texts at internet.


Naisip ko lang na gawin ang list na ito kung gusto niyo lang balikan yung mga nakakaumay moments at banat ng mga bida sa kwentong ito.


(Naka-arrange ang mga pick-up lines according sa pagkakasunud-sunod na paglabas nito sa chapters.)



  • "You know what Ishy, I'm thinking of something that would look great on you. Necklace? Earrings? Head-band? Ahh!!!... I think I look great on you. Oh tayo na?" - Riley, Chapter 2
  • "Good morning Ishy... future wifey ko... hehe."Riley, Chapter 2
  • "Tingin mo tama yung A, E, I, O, U... Don't you think we should put U and I together?"  - Riley, Chapter 2
  • "Oh... you dropped your smile. Pulutin ko?" - Riley, Chapter 2
  • "Seryoso naman ako ha... sayo." - Riley, Chapter 2



  • "You're late! Sabi ko na nga ba. Napanaginipan kasi kita. Magdamag tayong magkasama."  - Riley, Chapter 3
  • "Anong hangin? Ikaw lang naman laman ng utak ko ha."   - Riley, Chapter 3 
  • "Wow budget! Parang mag-asawa lang tayo ha! Ikaw nagba-budget! Hahaha!"   - Riley, Chapter 3
  • "Psssh.. Buti pa 'tong materials, tinatawag mong mahal. Ako kaya?"   - Riley, Chapter 3
  • "Ay Ishy! May kailangan na pala ako!... Ikaw. Hehe..."   - Riley, Chapter 3
  • "Alam Ishy, natikman ko na lahat ng matatamis dito eh. Yung ice cream, cake, pudding at chocolates... yung matamis mo na lang na OO ang hinihintay ko."   - Riley, Chapter 3
  • "Para pala akong joke noh... minsan kahit korni, napapasaya ka naman!"   - Riley, Chapter 3
  • "Aray... teka Riley... ang sakit na ng paa ko eh......Kasalanan mo din yan eh. Ang mga anghel kasi hindi naglalakad, lumilipad!"   - Riley, Chapter 3
  • "Let me do it. I'll tie your shoe lace so you won't fall for anyone else."   - Riley, Chapter 3
  • "Sige na bolero na kung bolero! Pero sa lahat ng bolero, ako lang ang nagsasabi ng totoo noh!"   - Riley, Chapter 3
  • "Ten years from now, tingin mo ganito pa rin tayo? Anong malay mo, magka-apelyido na tayo!"   - Riley, Chapter 3
  • "Hay... kung pwede lang gawing walong araw ang isang linggo, gagawin ko, sagutin mo lang ako."   - Riley, Chapter 3
  • "Hindi ka ba nalulungkot na magpapasko na, kasapi ka pa rin sa SMP? Samahan ng malalamig ang pasko. Try mo kayang PSP. Pasko sa piling ko."   - Riley, Chapter 3
  • "Wag mo nga akong sundan!......Wag kang magalit! I'm just following my dreams!"   - Riley, Chapter 3
  • "Tsk! Sasamahan mo lang ako ng dalawang beses eh... now and forever!"   - Riley, Chapter 3
  • "Anong ako? Ikaw yung nanunulak jan. Yan tuloy, sabay tayong nahulog sa isa't isa."   - Riley, Chapter 3
  • "Ang hirap maging AKO!!!Mahirap maging IKAW? Eh di subukan mong maging TAYO!"   Ishy, Chapter 3


  • "Alam mo parang nakita pala kita kanina. Teka isipin ko ah. Ayun! Di pala kita nakita! Iniisip lang pala kita mula pa kanina."   - Riley, Chapter 4
  • "Kamusta ka naman jan?... Ah. Eto, okay naman din ako, parang ikaw... Ikaw na lang ang kulang."   - Riley, Chapter 4
  • "Sa wakas nakita ko na yung kulang! Oh ayan kumpleto na ako!"   - Riley, Chapter 4
  • "Siguro kung trabaho lang ang panliligaw, milyonaryo na ako."   - Riley, Chapter 4
  • "Teka Riley... naramdaman mo yun?... Na mahal kita."   - Ishy, Chapter 4
  • "Alam mo dati sabi ko, yun na! Paano na! Doon na! Iba na! Wala na! Ngayon, ikaw na!!!...... Hindi! Tayo na!"   - Riley and Ishy, Chapter 4


  • "Boo... don't try to melt me with you stare. You know very well I can melt you with my mouth." Riley, Chapter 5
  • "Alam mo ang baho mo. Tara nga, let's take a shower together!"  Riley, Chapter 5
  • "Oh boo... bakit parang tumatangkad ka yata? Dati hanggang balikat lang kita ha... ngayon nasa isip na kita."  Riley, Chapter 5
  • "Bakit ikaw boo? Parang lumiliit ka yata? Dati kasi lagpas ulo kita... ngayon nasa puso na kita."  Ishy, Chapter 5
  • "Paabot nga Ishy! Ng kamay mo. Para holding hands tayo."  Riley, Chapter 5


  • "Alam mo may mga tao talagang hindi nakalaan para sa isa't isa! Ang masaklap eh pinagtatagpo pa sila."   Ishy, Chapter 6


  • "If being great, handsome, wonderful, talented and sexy was a crime, I'd be guilty as charge!" Riley, Chapter 7
  • "Aba boo! Ano na ba yang nalulunok mo ha? Electricfan ba yan, ang hangin na kasi!"..."Mahangin na kung mahangin! Tangay naman puso mo!" - Ishy and Riley, Chapter 7
  • "Ishy... anong english ng mahal kita?"..."I love you."..."I love you too!" Riley, Chapter 7
  • "Alam mo ang sakit na ng mga mata ko. Kasi hindi na yata ako makakakahanap ng mas higit pa sayo eh." Riley, Chapter 7
  • "Ay Boo, nakalunok ka naman yata ng aircon! Ang hangin din bigla eh!"..."Pssh! Well! At least hindi ko lang tinangay puso mo, pinalamig ko pa!" Riley and Ishy, Chapter 7
  • "Hindi... diba kung hindi dahil sa mga fans mo, wala ka ngayon jan sa position mo. Sikat na sikat!"..."Kung hindi dahil sayo, wala ako ngayon sa position ko. Inlove na inlove!" Riley, Chapter 7
  • "Kung feeling mong may kulang sayo, i-check mo lang baka nawawala na ako." Riley, Chapter 7
  • "Bakit ka mawawala? Iiwanan mo ako?"..."Hindi! Titira lang ako sa puso mo noh!" Riley, Chapter 7
  • "Puro kalokohan daw! Eh kasama ka naman sa kinalolokohan ko!" Riley, Chapter 7
  • "Saka na kita hahalikan My Boo... Saka na pag nasa simbahan na tayo!" Riley, Chapter 7


  • "Namimiss mo na ba ako?"..."Oo naman! Palagi naman eh! Ikaw?"..."Ngayon Miss pa lang kita...Susunod Misis na kita." Riley, Chapter 8
  • "Anong oras na? Basta lahat ng oras ko, gusto kong ibigay sayo!" Riley, Chapter 8
  • "Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend?"..."I have to stay single so that I can still serve as a public temptation." Riley, Chapter 8


  • "Ishy, alak ka ba? Ang lakas na ng tama ko sayo eh." Riley, Chapter 11
  • "Eh ikaw? Alak ka rin ba? Nasusuka ako sayo eh." Ishy, Chapter 11
  • "Sa sobrang dami ng cheesy lines ngayon, wala na talaga akong maisip!... Wala na akong maisip kundi ikaw." - Riley, Chapter 11





2 comments:

  1. kakilabot sa kilig............ hahahahahahaha......riley ikaw na........ LOL!

    ReplyDelete
  2. "Sige na bolero na kung bolero! Pero sa lahat ng bolero, ako lang ang nagsasabi ng totoo noh!" - hahahahaha... gusto ko 'to tlga!!! >..<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^