Tuesday, April 2, 2013

Chef Queen : Chapter 1

Author's Note:Chef Queen is my favorite of all stories na ginagawa ko. Why? SHORT STORY lang eh :P wehehehhe!!! Joke! 

CHEF QUEEN : Chapter 1

HINALIKAN ni Mandy Anne sa pisngi ang kanyang inang nanghihina dahil sa kanyang sakit. Masakit para sa kanyang iwan ito, ngunit kailangan nya itong gawin upang mabayaran ang kanilang mga gastusin sa Ospital.

"Patawad, ina. Magpagaling ka huh?" sabi nya sabay punas ng luha na tumulo sa kanyang pisngi.







NAGSIMULA na siyang maglakad palayo habang hawak-hawak nito ang kaniyang maleta. Sa huling pagkakataon, tumingin ulit siya sa kaniyang ina na nakaratay sa higaan.

"Paalam." bulong niya.















"ANNNNNNNNNNNNIIIIIIIIIEEEEEEEEEEE!!!!"
 napabalikwas ka-agad sa pagkakahiga si Anne ng marinig nyang muli ang sigaw ng kaniyang kaibigan ni Rosella.


"May sunog!!!??? Asaan?! Asaan?!" sigaw nya at luminga-linga siya na parang tanga. Nang malaman niyang wala naman pala, bumaba na siya upang titrisin ang kaniyang kaibigan. Bababa na siya ng marinig nya ang isang boses.. Boses na kaniyang kinakabaliwan..


"Uhhmmm.. Yeah, Yeah...... What?! Dad, how many times will I--- Yes?" nagulat siya ng biglang napatingin sa kaniya ang lalake. Napako siya sa kaniyang kinatatayuan sa di malamang dahilan.

Hey Annie, knock it off! Gumising ka nga sa pagd-daydream mo! - other self

Agad namang ngumiti ito sa lalakeng iyon at nag-bow.

"No, sir. Sorry, you may proceed. Sir." pagkasabi nya nuon, madali siyang umalis..

Hindi nya inaasahan ang pagpunta nito sa bahay niya. Sya si Casper Lance McTony ang kaniyang hinahangaan/sinisinta/ at kaniyang First Love. Siya rin ang anak ng may-ari ng hotel na kanyang tinatrabahuhan.

Isa ng Head Chef si Anne at nabayaran niya na ang mga gastusin sa ospital ng kanyang ina ngunit namantay naman kaagad ito dahil sa malalang sakit na cancer nito. Kailangan nya pang maka move-on ng anim na buwan dahil sa nangyari.

"Hoy! Ang tagal mong gumising Annie! Jusmio! Kanina ka pa hinihintay ni Sir! Nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon!?" nabigla si Anne ng marinig nitong muli ang boses ni Rosella. Kahit kailan talaga napakadal-dal nito.

"April 2? Tuesday? Nanganak ang ate ni Hannah ngayon?" nagtatakang tanong niya rito.

 (A/N: nasingit nanaman ang singiterang otor!)  

Napaface-palm na lamang ito sa sinabi niya, "Pusang gala naman oh! Annie, nakalimutan mo bang ikaw ang maghahanda ng cake sa engagement party ni Sir Lance?" naiinis na wika nito. Napa-yuko na lamang si Anne ng natandaan niyang engaged na pala si Lance.


"A-ah.. Oo nga pala. Sige mauna na ako, baka pagalitan pa ako ni Sir." sabi nya

Napailing na lang si Rosella sa inasal niya. 'Hay naku, lagi na lang may nasasaktan basta pag-ibig na ang usapan.' sabi niya at umalis na.



END OF CHAPTER 1





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^