Friday, November 2, 2012

You Are My Life : Chapter Four


(Danielle's POV)

"Danielle, dito ka muna ha? May o-orderin lang ako sa baba para may pagkain tayo." Paalam ni Martin nung maka-upo na ako sa Stool Chair sa Kitchen niya dito sa Condo Unit niya. 


Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi saka na naglakad palayo. Bago siya lumabas ng pinto may pahabol pa siyang sinabi.

"And please don't check out the other room upstairs if you're going to our room. Something's scary there. Goodbye~" Saka niya na sinara ang pinto.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung accidentally kong makita si Matthew. At hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita. Siya ba talaga yun? Anong nangyari? Tsaka bakit hinahanap niya si Martin?

Tumayo ako at nagtungo sa Ref at kumuha ng Rootbeer. Haay... Gusto kong mag-relax. 

Kumuha ako ng Chips sa Cabinet at dinala na ito kasabay ang Rootbeer papunta sa living room. Itinaas ko ang paa ko sa center table saka kinuha ang remote sa sofa at pinindot ang power on. Haay. Katamad talaga!

Nilipat ko sa Disney Channel at sakto! Phineas and Ferb yung pinapalabas.

"Mmmoooommm~ Phineas and Ferb are making a tydical sequence!" Naiiritang sigaw ni Candace. *DEEENG!* At tumunog na yung electric guitar nila Phineas.

Nung tinamad na akong manuod pinatay ko na yung tv at tinapon sa basurahan yung can at yung balat ng chips na kinain ko. Inaantok ako... Umakyat na ako at bubuksan na dapat yung pinto ng kwarto namin ni Martin nung bigla akong may narinig na parang may nabasag sa kabilang kwarto. Kinabahan ako. Ano yun?

"You're too naughty, Babe. And please don't be too excited." Saway nung isang boses sa kabilang kwarto.

Hala? Anyare? 

Lumapit ako sa kabilang pinto at pipihitin ko dapat yung doorknob nung biglang may humatak ng kamay ko.

"I said don't check that out." Seryosong bulong sakin ni Martin.

Para siyang si Edward Cullen na basta-basta na lang sumusulpot.

"But why? Dati naman dyan ako nagdo-drawing ng mga blue prints ng mga nagpapagawa sakin ah? Bakit pinagbabawalan mo na ako ngayon?" Nagtataka kong tanong.

"Basta hindi ka papasok dyan. Danielle, kapag sinabi ko, sinabi ko. Alam mo yan." May pagbabanta sa boses niya.

I rolled my eyes. "I don't care. Kung wala kang tinatago, di mo ko pagbabawalang buksan 'tong punyetang pinto na 'to." Pilit ko pa rin saka ko siya pinandilatan ng mata.

Humarang siya sa pinto. "Bawal ka nga kasing pumasok! DI mo rin pwedeng buksan 'tong pinto!" Mapilit niyang bulong sakin.

Hinawakan ko yung pihitan ng pinto. "Sino tinatago mo dyan?! May babae ka 'no?!" Sigaw ko sa kanya. Pinipilit kong pihitin yung doorknob pero tinataboy niya yung kamay ko.

"Ooohh~ Aaahh~ " Magkahalong boses ang narinig namin sa loob.

Wait. Ano ba kasing nangyayari sa loob ng kwartong 'yan?

Nakahawak si Martin dun sa pihitin ng doorknob kaya tinulak ko pababa ko yung braso niya. Pumihit yung doorknob at natumba si Martin dahil naka-sandal siya kanina sa pinto. 

*Creeekk*

"Fck! Oh sht! Oh sht!" Cuss ng lalaking nakatalikod samin. 

Agad tumayo si Martin at tinakpan ang mga mata ko.

"Sabi ko sa'yo wag mong bubuksan eh. Ayan, mapilit ka eh." Bulong niya sa tenga ko.

Hinawakan ko yung kamay niyang nakatakip sa mga mata ko. 

"Martin... Lemme see--" Pinutol niya agad yung sasabihin ko.

"NO." Matigas na sabi niya sa tenga ko saka ko narinig ang pintong nag-sara.

Tinanggal niya yung kamay niya sa mata ko kaya kumurap kurap pa ko.

"Now tell me. Nabahiran ng dumi yang inosenteng mong utak 'no?" Cold na tanong niya sakin.

Nag-shrug ako. "I don't think so. Palagi naman akong nakakakita niyan kapag nasa bar kami nila Fei." Sagot ko saka na binuksan yung kwarto namin.

Lumakad ako papunta sa King-sized-bed namin ni Martin at humiga.

"Teka lang... *SINFF. SNIFF* Parang may nag-iba sa amoy mo..." Biglang sabi ni Martin.

Nanlaki ang mata niya saka agad siya tumakbo papunta sa baba.

Teka... Ano nga ba yung ininom ko kanina? Root Beer ata?

Narinig ko ulit yung yabag niya pabalik dito sa kwarto namin.

"Beb naman! Bakit ka uminom ng Root Beer?! Sinabi ko naman sa'yo na di ka pwedeng uminom nun diba?" Medyo nanlulumong sabi ni Martin.

"Bakit nga pala bawal?" Tanong ko.

"Beeeb! Babae ka! Bawal sa'yo yun!" Sabi ni Martin. Umupo siya sa kama saka yumuko.

"Hello?! Hoy kahit babae pwedeng uminom ng Root Beer!" Pakikipag-debate ko sa kanya.

"Eh ayoko ngang umiinom ka nun! Basta ayoko!" Sagot niya agad.

"Tse! Iinom ako nun hangga't gusto ko! Bahala ka dyan! Uminom nga ng alak pwede eh! Root Beer pa?" Pagmumukmok ko. 

Kainis. Root Beer lang eh?

Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Please... hangga't di ko sinasabi yung dahilan wag ka munang uminom nun." Pakiusap niya.

"Tsh. Whatever, @sshole. Tara na at gutom na ko." Sabi ko saka na biglang tumayo kaya nakalas yung pagkakayakap niya sakin.

Nauna na akong bumaba at dumiretso sa mini dining area.

 Umupo agad ako at nilantakan yung lechon kawali. Sarap kaya nito.

"Hooooy~ Wag yan! Ayun sa may Kitchen yung pagkain natin!"Pigil na naman ni Martin saka ako pinipilit na tumayo at pumunta sa kitchen.


(*O*) Spell delicous.

T-I-N-O-L-A

"Uwaaaaaaaaaaah~ I missed this food! San mo 'to binili, Beb?" Masayang-masaya kong tanong with matching talon-talon pa.

"Nag-request ako kay Tita na magluto sana siya ng Tinola na paborito mo. Alam ko matagal ka nang di nakaka-kain niyan eh." Sagot niya sakin.

Ngumiti siya at tumalikod. Kumuha siya ng dalawang plato at dalawang pares ng kutsara at tinidor. Nilapag niya ito sa counter ng kitchen saka naglagay ng kanin sa dalawang plato. Nag-lagay na rin siya ng APAT na manok sa plato ko at dalawa lang sa kanya. Hinimay niya yung mga manok sa plato ko saka hinawi yung mga buto.

"Hoy, teka nga. Bakit sobra ata yung manok ko?" Mataray kong tanong.

"Dahil sobra-sobra din ang pagmamahal ko sa'yo." Nakangiti niyang sagot sakin.

Tinuktok ko yung noo niya pero tawa ako ng tawa.

"Ang landi-landi mo, Beb!" Biro ko sa kanya saka na tumawa ulit ng malakas.


(Third Person's POV)

Naka-tayo ang isang lalaki malapit sa hagdan habang naka-tanaw sa mag-nobyo na tumatawa. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan sa tuwing makikita niyang magkasama ang dalawa't tumatawa. Hindi niya kilala ang babae. Wala siyang matandaang ipinakilala siya ng kapatid niya sa nobya nito. Isa siyang Cassanova. Oo, bago siya pauwiin ng tatay niya dito sa Pinas, isa rin siya sa dakilang Cassanova sa US. Ang kakambal niya ang hindi. Gago lang talaga ito pero masyadong malambot ang puso pagdating sa babae. Sa katunayan, nang kasali pa siya sa Gang nito, palagi siyang nakakatanggap ng malakas na suntok sa pisngi dahil nagagalit ang kakambal niya kapag may nagsusumbong dito na may sinaktan na naman siyang babae. Walang-wala siyang puso pagdating sa babae. Galit siya sa Ina niya, hindi niya alam kung bakit, marahil dahil iyon sa maling nakikita ng mga mata niya. Dahil sa mata niya, mas mahal ng ina niya ang kakambal niya, mas malapit ito sa ina niya kaya ang palagi niyang nakakasama ay ang kanyang ama. 

Bumalik siya sa kwarto at doon niya nakita ang nagpapahinga niyang kasipin. Tumabi siya rito saka niya hinalikan ang leeg nito. 

Pakiramdam niya ang babaeng kasama ng kapatid niya ay inagaw lang sa kanya. Pero wala talaga siyang maalala kung nakita niya na ba ang babae. Basta pamilyar ito at parang napaka-importante nito sa kanya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Short Update for now. 



2 comments:

  1. aNg saRap kaYa ng rOot bEeR mArtin,,, bkit mU xaH piNagbbwaLan,,, hwAheHe stRict boYfriEnd,,,

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    ang possessive at strict ni martin but i like it kapag boys ang ganun. haha!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^