Aegyo's Note: So baka ito na po ang huling update ko. Bago kayo magalit o magtampo, alamin niyo muna ang dahilan ko. Batid niyo naman na siguro na mapa-publish na ang Wizard's Tale 1: Unlike Your Ordinary Fairytale. That's from Chapter 1-46 kaya nga sinisimulan ko nang idelete yung mga yun. Matinding editing po ang ginagawa ko para sa libro dahil ayaw kong biguin kayo sa kwento, lalo na dun sa mga balak na bumili ng libro. Wala naman akong tinanggal na eksena, characters or places. Pero marami akong dinadagdag at iniimprove para maging bagong reading experience yun sa mga mambabasa. Gusto kong masabi nila na worth it ang pagbili nila sa libro. Within this year po ang target of release ng Book 1 at hindi kayo mabibitin dun. Kaya nga po hinihingi ko ang pang-unawa niyo dahil kailangan ko po ng buong oras ko para dito. Bukod doon, nag-aaral pa po ako. Marami akong projects. Hindi ko na alam kung paano isisingit ang update dito sa Wattpad. Kung sasabihin niyong nakakabitin ang Wizard's Tale 2: Journey to a Happier Ending dahil hindi tinapos ni author sa Wattpad, sige sabihin niyo na. As in now na. Tatanggapin ko ang hagupit niyo. Ang pagwawala niyo. Pero ito lang ang masasabi ko, patawad po. Pero sa suportang ibibigay niyo saakin sa pagpapa-publish sa unang libro, malaking tulong po ito para maisunod ko agad ang Book 2. Mabilis na mari-release hanggang sa katapusan ng kwento nina Yana at Brylle. Suporta at pang-unawa lang talaga ang kailangan ko. Ayakong mapressure dahil ayokong makaapekto ito sa mga ginagawa ko. Ayaw kong biguin kayo dahil kabiguan din yun para sa sarili ko.
Sa mga umaasa lang online, I still hope na masuportahan niyo pa rin ako. Marami nang nagsasabi na kapag pinublish ang libro, bibilhin nila. Sana totoo yun. Sana hindi niyo lang ako pinapaasa.
At lagi kayong tumutok sa FB page ko dahil doon ako madalas na nagbibigay ng balita. Doon ko rin sasagutin ang mga tanong niyo dahil natatambakan ako dito sa Wattpad.