Friday, November 2, 2012

A Kiss [FTV] : Epilogue

EPILOGUE
“New Start with a Kiss!”

 ( Dara’s POV )

One Month Later…


“Miss, dalawang cans of cass nga.” order ng isang costumer.

“A moment, ma’am.” nakangiting wika niya. Waitress siya sa restaurant na ‘to. Na pag-aari ng company na may-ari ng Cass.

Oo, Cass na naman. Ampness na Cass na ‘yan. Lagi akong sinusundan. Nagresign na ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko. At halos isang buwan na akong nagtatrabaho dito.

Pagkatapos ng ginawa ko kay Lee ng gabing ‘yon. May mukha pa ba akong ihaharap sa mga tao?

Halos karamihan pa naman ng nasa party na ‘yon ay madalas na nagha-hangout sa bar na pinagtatabahuhan niya.

Nang may maalala siya. One week after that night, nakita niya accidentally si Woon. Nagpaliwanag ito sa kaniya tungkol sa pustahan na ‘yon.

Naalala niya pa ang mga sinabi nito.



-F L A S H B A C K-
 
Napabuntong-hininga ito. “He likes you, Dara. No, he starting to love you. I don’t know. Maybe he loves you already. Alam mo bang laging pangalan mo ang lumalabas sa bibig niya kapag magkasama kami. Pag tinatanong ko kasi siya kung tinamaan na siya sa’yo, todo tanggi naman siya. Kaya akala ko, wala ka lang sa kaniya. Kaya nga pumayag ako sa pustahan natin.”

Napabuntong-hininga ito. “But I’m wrong, at napatunayan ko ‘yan ng hindi siya magkaugaga sa paghahanap sa’yo. Nag-away pa nga kaming dalawa ng dahil sa’yo. Bakit hindi ko daw sinabi sa kaniya na alam mo na para nakapagpaliwanag daw siya sa’yo. First time kong makita siyang gano’n katuliro ng dahil sa isang babae. Ng dahil sa’yo.”

Kumislot ang puso niya sa sinabi nito. Nasabi nga ng mga katrabaho niya sa bar na tinatanong ni Lee sa mga ito kung nasan siya, kung san siya nakatira at blablabla. Todo bilin lang niya sa mga ito na wala itong alam kung nasan siya at kung san siya nakatira. “Bakit mo sinasabi sakin ‘yan?”

Nagkibit-balikat ito. “Sa totoo lang wala naman akong mapapala, eh. Pero dahil kaibigan ko si Lee. I want him to be happy. Sa totoo lang, it was all my fault. Dapat sinabi ko na sa kaniya na alam mo. Kaya lang kasi, baka sabihin mo sa girlfriend ko ang nakita mo. I love my girlfriend so much.”

Mukhang tinamaan na din ito. Dapat ba siyang maniwala? Mag-aaksaya ba si Woon na magpaliwanag sa kaniya kung hindi naman totoo ang sinasabi nito? Pano kung panibagong pustahan na naman ito? 

Napahawak siya sa pendant ng kwintas niya. Masama bang maniwala?

Sa totoo lang, hindi niya hinayaang magpaliwanag si Lee sa kaniya, kung ano ba ang totoo. Kung bakit ito nakikipaglapit sa kaniya. Eto na mismo, sinasabi na sa kaniya ni Woon ang dahilan. Mahal siya ni Lee! 

Nakagat niya ang labi niya. “W-here is he?”

He sighed. “He’s gone, Dara. Pumunta siya sa America. And I don’t know when he is coming back here in Korea. He was devastated lalo na ng malaman niyang nag-resign ka na sa bar na pinagtatrabahuhan mo. Hindi ka niya mahagilap.”

“I…” She sighed. Ngumiti siya ng pilit. “Thanks by the way.” Tumalikod na siya ng tawagin uli siya nito.

“Dara.”

Nilingon niya ito. “Why?” tanong niya.

“Hindi ka niya naging laruan, Dara.”
-

E N D . O F . F L A S H B A C K-



Napabuntong-hininga siya. Move on, Dara. wala ka din namang magagawa. Wala na siya. Ngumiti siya at humakbang na papunta sa counter para kunin ang inorder sa kaniya.



 Nakatalikod ang crew na nasa counter. Kumunot ang noo niya. Masyado ‘tong matangkad para sa isang crew. Saka maliit lang naman ‘yong crew nila, ah. Nagkibit-balikat siya.

“Excuse me. Two cans of cass, please.”

Humarap ang lalaki sa kaniya. Nanlaki ang mata niya ng makilala ito.








( Lee’s POV )

Three days ago, he was back here in Korea. After that night sa party, pinuntahan niya si Dara sa bar na pinagtatrabahuhan nito. Pero nag-resign na daw ‘to. Sobrang inis niya. Lalo na kay Woon, dahil hindi nito sinabi sa kaniyang alam na ni Dara ang pustahan na ‘yon. Kung alam lang niya edi sana nakapagpaliwanag siya ng maaga. Hindi ‘yong umabot pa sa gano’n.

Nakalimutan na nga niya ang pustahang ‘yon pati ang twenty thousand na ibibigay dapat ni Woon sa kaniya sa party, kaya laking gulat niya ng malamang nagpustahan ang mga ito. Na kung magagawa daw ni Dara na halikan siya in front of his friends, mapupunta daw kay Dara ang twenty thou, pero pupunitin lang daw ‘yon ni Dara sa harapan niya.

Sa totoo lang, he starting to like Dara. There was something in her na wala sa ibang babaeng dumaan sa buhay niya. Hindi niya lang maamin pag tinatanong siya ni Woon dahil for sure uulanin siya ng tukso nito. Ang hirap kayang umamin ng mga playboy na katulad niya. Kaya nga sobrang badtrip niya ng hindi niya ito mahagilap. Kahit sa bar na pinagtatrabahuhan nito, walang makapagsabi kung sa’n ito nakatira.

Kaya nga pumunta na muna siya sa America. Para makalimot. Na hindi naman nangyari. Dahil everyday niyang naiisip si Dara. Para na nga siyang tanga. Kaya ayun, umuwi siya sa Korea. Hinanap niya kung sang lupalop ng Seoul nakarating si Dara.

Nalaman niya kay Woon na sa isang restaurant daw nagtatrabaho si Dara. Nainis na naman siya kay Woon. Bakit ngayon lang nito sinabi? Ang dahilan naman nito, hindi daw siya makontak. Yun ang mali niya. Simula ng pumunta siya sa America, he cut his communication through any of his friends, kahit pa kay Woon.

Ang tanga talaga niya. Hindi lang tanga, baliw pa. Dahil nandito siya ngayon sa restaurant na pinagta-trabahuhan ni Dara. Buti na lang at nagkataong kilala niya ang manager ng resto. Nakiusap siyang kahit saglit lang, siya ang pumwesto sa counter. Pumayag naman ito pero syempre may condition. Kahit ano pang condition ‘yon, gagawin niya. Kahit patalunin pa siya sa isang building. Sa first floor lang ha.

Nakatalikod siya ng madinig niya ang boses ni Dara. Napangiti siya. He missed her voice. Mas lalo ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon.

“Excuse me. Two cans of cass, please.”


Nakangiting humarap siya dito. “Here it is.” sabay abot ng dalawang cans of cass. Nagulat ito pagkakita sa kaniya.

“How have you been? You look much prettier than before.” nakangiting wika niya.



Ngumiti na ito. Lumapad pang lalo ang ngiti niya. Hindi na siya galit sakin. Nabanggit na ni Woon sa kaniyang nagkausap ito at si Dara a week after the party. Nasa America na siya no’n.

Inilahad niya ang kamay niya. “Nice to see you again, Dara.”








( Dara’s POV )


Nagulat siya ng humarap sa kaniya ang lalaki. Si Lee! Anong ginagawa nito dito? Paano niya nalamang dito ako nagtatrabaho? Si Woon!!

“How have you been? You look much prettier than before.” nakangiting wika nito.

Nakakamiss ang mga ngiti niya.

Inilahad nito ang kamay nito. “Nice to see you again, Dara.”
 


Pabirong tinabig lang niya ang kamay nito. “Ewan ko sa’yo.” Napangiti ito.

Lumabas ito sa counter. At sumandal sa gilid. Sumandal din siya. Lihim niya itong tiningnan dahil deretso itong nakatingin sa unahan.



“How are you? Na-miss mo ba ko?” tanong nito.

“Ano ka!”


Napalingon ito sa kaniya. “Aminin mo na kasi.”

Siniko niya ang braso nito. “Asa ka.”

Natawa ito ng mahina. “Aray, ah.”

“Kulang pa ‘yan. Dapat sa’yo, itirik ng patiwarik.”

Lumapad ang ngiti nito. “Na-miss mo nga ako.”

Dumeretso ito ng tingin sa harap. Gano’n din ang ginawa niya. “Ako kasi, na-miss kita.” wika nito.


Napatingin siya dito. Ako din, Lee. Lalo na yang ngiti mo. Sobrang na-miss ko.

“Alam ko.” wika nito. “Alam kong miss na miss mo na ako. Grabe ka makatingin, eh.” natatawang wika nito.

Agad siyang umiwas ng tingin dito. “In your dreams.” natatawang wika niya.

Natawa lang ito. “Hindi ka pa din nagbabago.”

Sasagot pa sana siya ng..

“Miss, yung order ko.” untag sa kanila ng costumer kanina.

“Wait lang, Lee. Ibi—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil ito na mismo ang kumuha ng dalawang bote ng cans at binigay sa costumer na umorder no’n.

Napapangiting tiningnan na lang niya ito. Napalingon ito sa kaniya. Kinindatan siya nito.

Nag-pa cute naman ang loko.

Huminga siya ng malalim. Ikaw din, Lee. Hindi ka pa din nagbabago. Pa-cute ka pa din. At ang nararamdaman ko sa’yo. Gano’n pa din.

Siguro hindi na nila kailangang mag-usap pa tungkol sa mga nangyari. May tamang oras para do’n. Sa ngayon…

“Anong iniisip mo?” Nasa tabi na pala niya uli ito.

“Wala.”

“Ako ang iniisip mo ‘no?” tudyo nito sa kaniya.

Tinawanan lang niya ito. Bakit ba alam nito ang iniisip ko?

“Uy, suot mo pa din pala ‘yan.” Na ang tinutukoy ay ang soda ring na ginawa niyang pendant sa necklace 
niya.

Napahawak siya do’n. “Ah, o-oo.”

Humarap ito sa glass wall ng reataurant. “Don’t worry, papalitan ko na ‘yan.” mahinang sambit nito.

Tama ba ang nadinig niya? O nabingi lang siya?

Humarap ito sa kaniya. “Dara.”

“Hmm…”

“I thought I would never see you again. Buti na lang bumalik ako. Ang hirap mo naman kasing hagilapin. Sabagay sa liit mong ‘yan.”

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “May sinasabi ka, Lee?”

Natawa ito. “I’m just kidding. Pikon ka na naman.”

“Buti alam mo.”

Tumikhim ito. “Pwede ba uli tayong magsimula, Dara?”

“Magsimula?”

“Oo.” Tumikhim uli ito. Inilahad nito ang kamay nito. “Hi, I’m Lee. Nice to meet you.”

Napangiti siya. Nakuha na niya ang simulang sinasabi nito.

“Baka tabigin mo na naman yang kamay ko, just like what you did earlier.” natatawang wika nito.

Tinanggap niya ang palad nito. “I’m Dara. Nice to meet you, too.”

“Times up!”

Agad niyang binawi ang kamay niyang hawak ni Lee. Napalingon siya nagsalitang ‘yon. Yung manager nila.

“Sir!” Naku patay!

Napakamot ng ulo si Lee. “Pare naman, umeksena ka agad.”

Kumunot ang noo niya. “Magkakilala kayo ni Sir?”

“Yes, Dara.” nakangiting sagot ni Lee. Hinawakan nito ang kamay niya. “Pwede bang mahiram ko muna si Dara, pare?”

“Oo na. Oo na. Sige na.” taboy ng manager niya sa kanila, pero nakangiti naman ito.

Hinila na siya ni Lee palabas ng restaurant. “Sa’n ba tayo pupunta?” tanong niya.

Nakangiting nilingon siya nito. “Sa simbahan.”

“What?!”

“I’m just kidding. Mamasyal lang tayo. Mag-kukuwentuhan kung sang lupalop ka nagtago at bakit hindi kita agad mahagilap.”

“’Yon lang?”

“At saka na-miss kita, eh. Let’s go.” Hinila na siya nito papunta sa kotse nito.

Napatingin na lang siya dito. At napangiti. “Na-miss din kita, Lee.” mahinang sambit niya. Tumingala siya 
sa langit. A new start.

“Anong tinitingala mo diyan?” untag sa kaniya ni Lee. “Ang hilig mo talagang tumingala sa langit. Ako na lang ang tingnan mo, mas gwapo pa ko sa langit.”

“Ang yabang mo talaga. Tara na nga.” Siya na ang humila dito.

“Excited ka? Na-miss mo talaga ako ‘no?”

“Oo na, nang matahimik ka na.”

“Sabi ko na nga ba.”

“Ang yabang mo!”

“Gwapo naman. At gwapong katulad ko, bagay sa magandang katulad mo.”

She smiled. He smiled.

They both know.

This will be a new start for HER.

A new start for HIM.

A new start nga ba?

Dahil nagulat siya ng bigla na lang siyang halikan nito sa pisngi niya. “Lee!”

Natatawang lumayo ito sa kaniya. “Gusto mong gumanti? Habulin mo muna ko.” natatawang tumakbo ito.

Sira-ulo talaga!

A new start daw.

Eh, wala namang bago.

Because…

again…

it started with…


A Kiss.
    
               
- T h e  E n d -

Images in this chapter were screenshots and edited by Aiesha Lee. Please do not take without permission!

* * *
AieshaLeeNote: At sa lahat ng bumasa ng FIRST FTV ko dito, Madaeng thank you sa inyo. Thank you 1ooooooooo times. Yung feeling na may nagbabasa at nakaka-appreciate ng story na ginawa ko, overwhelmed ang feeling. ^___^

At sana po, keep supporting my stories, but not just my stories, pati din yung lahat ng magagaling na writers dito. Many to mention, lahat naman magagaling in their own special way. Uhm, parang lyrics ng song ‘yon, ah, haha.

And syempre, thanks to Miss Aegyo, tnx sis ^___^

At syempre uli, thanks to Queen Richelle, lam mo na schoolmate, haha, siya kasi ang humikayat sakin na magsulat dito. Hindi naman kasi talaga ko nag-ba-blog, dahil tinatamad kao? o hindi lang talaga ako mahilig, haha. Pero ‘yon nga, sige na nga, ma-try nga. Eto, nagustuhan ko naman, masaya !!! ^____________^ In a sense na may nakaka-appreciate ng mga pinaghirapan mo at syempre, you make new friends ^___^

Yun lamang at maraming maraming salamat. BOW! ^___^



Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

7 comments:

  1. ~angel is luv~

    waaah! ang ganda!!! bet na bet ko yung ending! nakakaloka nga yung nasa mv nun pero ang galing mo ate aiesha dahil pinasaya mo ako sa ending nitong ftv na to! nakakakilig sila dara at minho!!!

    gusto ko kung paano nagsimula sa kiss at nagtapos din sa kiss pero yun talaga yung start ng love story nila! i'll leave it that way dahil happy ending na! ang saya ko talaga!!! hahaha!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you so much, ANGEL IS LOVE, for reading my first ever FTV, muahhhkissshugggggg! ^______^

      Delete
  2. sObraNg saYa q sa eNdinG,, bUti na LNg hindi uNg katApusaN ng mV anG epiLOgue mo aTeY,,, sObraNg bitiNaq duN pEro ditO suPer satsfiEd aq sa naNgyri kiNa darA at pAPa Lee,,, hwaHEhE,,,

    ReplyDelete
  3. have u already watch the epilogue MV?
    Ang cute tlga ni Lee don ^___^

    ReplyDelete
  4. at dahil matagal akong nawala. ngayon lang po ako nakapagcoment..

    ang cutee!!!! sobra!! parang na iinlove na rin ako sa killer smile ni lee!!! keep on writing po! Godspeed!! :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^